Welcoat dinungisan ng Fash

Sinandalan ng Fash Liquid Detergents sina Rich Alvarez at Peter June Simon para masilat ang Welcoat Paints, 65-61 sa PBL Platinum Cup kagabi sa Pasig Sports Center.

Mula sa 61 pagtatabla ng iskor, umiskor ng drive basket si Alvarez at free-throws si Simon upang maiselyo ang kanilang ikalawang panalo sa apat na laro.

Ang panalong ito ang naging sanhi ng kauna-unahang pagkatalo ng Paint Master matapos ang tatlong sunod na tagumpay gayunpaman ay nanatili pa rin sa pang-kalahatang pamumuno ang Welcoat.

Binasag ni Alvarez ang pagtatabla sa tulong ng hang-time basket nito para kunin ang 63-61 kalamangan, 19.9 segun-do pa ang nalalabing oras sa laro.

Hindi napakinabangan ng Fash ang sumunod na posesyon nang makawala kay Paul Artadi ang bola.

Dahil wala nang jumpball at arrow possession na ang ginagamit ng liga, ibinigay ang bola sa Fash.

Ito ang nagbigay pag-kakataon sa freethrows ni Simon na na-foul ni Willy Wilson, 4.9 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Sa ikalawang laro, nakapasok sa win column ang Viva Mineral Water-FEU nang pabagsakin nila ang Sunkist-UST 77-66.

Show comments