First National Rodeo Championships

Handa na ang lahat para sa pagtatanghal ng Department of Tourism-sponsored 1st National Rodeo Championships sa Dec. 2-4 sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Tourism Secretary Richard J. Gordon, ang naturang kompetisyon ay isa sa napakaraming aktibidad na nakalinya sa kanyang ahensiya upang maipromote ang sports tourism sa bansa lalo na ang rodeo na unti-unting umaani ng popularidad sa ating bansa.

May kabuuang walong rehiyon ang nagkumpirma na ng kanilang paglahok sa torneo at ang Bukidnon at Masbate ang kinukunsiderang rodeo capital ng bansa. Magpapadala ng tigalawang koponan ang dalawa sa kanilang kampanyang dominahin ang events.

Ang individual champions ay tatanggap ng P140,000 at ang second at third placers ay mag-uuwi ng P105,000 at 70,000, ayon sa pagkakasunod. Ang overall champion ay magbubulsa ng P100,000, ang second ay P75,000 at ang third ay P50,000.

Ang mga kalahok ay ang Phil. Carabao Center (Ubay, Bohol), Xavier University (Cagayan de Oro City), Central Luzon State University (Nueva Ecija), Benguet State University, La Salle-Araneta University (Malabon), Dept. of Agriculture at Isabela State University (Tuguegarao City, Cagayan), at University of Southern Mindanao (North Cotabato).

Show comments