Paragua, kampeon sa Paris
November 16, 2003 | 12:00am
Tinumba ni SEA Games bound GM-candidate IM Mark Paragua (Elo 2511) si IM Kamran Shirazi (Elo 2428) ng Estados Unidos sa final round para makopo ang titulo sa Lutece Chess Open na gi-nanap sa Paris, France kamakailan para makalikom ng perfect score na 7/7 at makapagtala ng performance rating na 2930.
Tinalo din ni Paragua, 1998 World U-14 Rapid Chess Champion si GM Slim Belkhodja (Elo 2439), No.1 player ng bansang Tunisia sa 5th round para sa 13 FIDE rating points seven rounds FIDE rated event ay nilahukan ng 64 players na idinaos sa Lutece Chess Club mula Nobyembre 7 hanggang, 11 2003.
"Hindi naman masyadong malakas yong field pero to score 7/7 maganda na rin. Maybe this will be my last classical tournament and play two or more rapid tournaments before returning home para sa SEA Games," wika ng 19-year old enlisted member ng Philippine Air Force GM-candidate Paragua.
Kamakailan lamang, nagkampeon din si IM Paragua sa 16 players round robin blitz tournament na ginanap sa Paris Chess XV Chess Club kamakalawa ng gabi matapos magtala ng perfect score na 15/15.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended