Valdez, namuno sa Tour Pilipinas 2004

CUENCA, Batangas - Sinorpresa ni Samsung rider Rodelio Valdez ang mga kalaban nang kanyang pamunuan ang unang leg ng qualifying race para sa Tour Pilipinas 2004 na nagsimula at nagtapos sa municipal hall ng bayang ito.

Sa likod ng maulan-ulan na panahon, tinapos ng 23-gulang na si Valdez, ang nakababatang kapatid ng sikat na siklistang si Placido, ang 190-kilometer massed start race sa loob ng apat na oras, 57 minuto at 34.95 segundo.

Kumawala ang Cabanatuan City native sa main peleton sa unang 20 kilometro ng karera na suportado ng Air 21 katulong ang FedEx, Mail and More, BPI-MS, Caltex at Lipovitan upang silatin ang top national rider na si Victor Espiritu na ngayon lamang makakasali sa Tour Pilipinas makaraang di makalahok noong nakaraang taon dahil sa personal conflict.

Nakahabol si Espiritu kay Valdez sa 60-kilometer mark papasok sa bayan ng Calatagan matapos ang akyating daan sa Lian.

Nanatiling nakabantay si Espiritu kay Valdez kasama ang pito pang rider hanggang sa finish line.

Umokupa naman ng third hanggang ninth place sina Jeoffrey Talaver, pamangkin ni Valdez na si Dante Valdez, Robert Villaver, Jay Tolentino, Virgilio Espiritu, Benito Stalin at Sherwin Carrera habang si Gary Apolinar ang pang-10th.

May kabuuang 229 riders ang sumali sa karera kahit na masama ang panahon kaha-pon, kung saan lima ang bumagsak sa Lian kabilang si Nino Jazul na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Ayon kina Race director Art Cayabyab at race manager Paquito

Rivas, may 189 riders ang nakasama sa cut-off na itinakda ng Philippine National Cycling Association na makakasama sa final stage ng qualifying 36-kilometer individual time trial na magsisimula ngayon sa Lemery, Batangas at matatapos sa

Batulao sa Batangas din.

Ang top 48 riders pagkatapos ng qualifying anmg makaksama ng seeded 36 riders sa drafting sa December 17, kung saan hahatiin ang lahat ng 84 riders sa 12 teams,- ang Intel, Tanduay, Samsung, Bowling Gold, Gilbey's Island Punch, PLDT-NDD, Pacgcor Sports, DILG Drug Busters and Patrol 117, DENR Ecosavers, BIR Vat Riders at DOTC Postmen na lumahok sa revival ng tour noong nakaraang taon.

Show comments