^

PSN Palaro

PBL Platinum Cup: Blu tunaw sa Fash Liquid

-
Maagang bumanat ang Fash Liquid Detergent upang pasadsarin ang walang ganang Blu Star Detergent, 80-54 sa pagpapatuloy ng PBL Platinum Cup sa UST gym kahapon.

Bunga ng kabiguan nalasap ng tournament top favorite na Liquid Power, ipinakita nila ang determinasyong makabawi sa simula pa lamang ng labanan sa pangunguna ni Peter June Simon.

Humataw si Simon ng 15-puntos sa ikalawang quarter para sa kanyang 21-puntos na produksiyon upang ihatid sa 16-puntos na kalamangan ang Fash sa pagtatapos ng first half, 39-23.

Walang nagawa ang Blu Star sa ikalawang bahagi ng labanan na naging sanhi ng kanilang pagbagsak sa 1-2 win-loss slate habang uma-ngat naman sa 1-1 karta ang Fash.

Nilimitahan ng Fash sa siyam na puntos lamang ang kalaban sa unang quarter kasabay naman ng kanilang paghakot ng 21-puntos.

Ang bentaheng ito ay hindi na binitiwan pa ng Fash hanggang sa mapalobo nila ito ng 22-puntos sa pagtatapos ng ikatlong quarter, 61-39.

Ang pinakamalaking kalamangan ng Fash ay sa 23-puntos, 59-33.

vuukle comment

BLU STAR

BLU STAR DETERGENT

BUNGA

FASH

FASH LIQUID DETERGENT

HUMATAW

LIQUID POWER

PETER JUNE SIMON

PLATINUM CUP

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with