Semis tangka ng Ginebra at Talk N Text
November 14, 2003 | 12:00am
Tangka ngayon ng Ginebra at Talk N Text na makubra ang semifinal tickets ng Group B sa PBA Samsung Reinforced Conference ngunit tiyak na mahihirapan sila para maisakatuparan ito.
Siguradong babawi ngayon ang mga paboritong Red Bull at Coca-Cola para makabawi sa kanilang nalasap na kahihiyan at ipuwersa ang deciding Game Three ng best-of-three quarterfinal series.
Unang magsasagupa sa Cuneta Astrodome ang Gin Kings at Tigers sa alas-5:00 ng hapon at ito ay susundan ng sagupaan ng Barakos at Talk N Text sa alas-7:30 ng gabi.
Kapwa naging mapalad ang Ginebra at Phone Pals sa pagbubukas ng serye noong Linggo upang kunin ang 1-0 bentahe at ang twice-to-beat advantage sa serye.
Ginulantang ng Talk N Text ang Red Bull para putulin ang kanilang 10-game winning streak sa pamamagitan ng 120-116 panalo at sinundan naman ito ng 104-94 pamamayani ng Ginebra laban sa Coca-Cola.
Kung naipuslit ng Ginebra at Talk N Text ang Game-One, batid nilang mahihirapan silang makubra ang ikalawang panalo kontra sa mga bigating kalaban. (Ulat ni CVOCHOA)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended