Sta.Lucia nakauna na
November 13, 2003 | 12:00am
Humataw ang Sta. Lucia sa ikaapat na quarter upang hatakin ang 88-79 panalo kontra sa Alaska sa pagbubukas ng kanilang quarterfinal series kagabi sa Samsung-PBA Reinforced Conference sa PhilSports Arena.
Nagtulung-tulong sina import Ray Tutt, Marlou Aquino at Kenneth Duremdes sa ikaapat na quarter kung saan dumistansiya ng 11-puntos ang Realtors na kanilang pinangalagaan para sa 1-0 bentahe sa best-of-three quarterfinal series.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Sta. Lucia para makapasok sa semifinal kung saan makakalaban nila ang mananalo sa sariling serye ng San Miguel at FedEx na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito para sa kanilang Game-One.
Sa debut game ni Tutt, pumalit kay Damien Owens, ipinamalas nito ang kanyang all-around game sa pagkamada ng 19-puntos bukod pa sa kanyang 10-rebounds, apat na assists at dalawang steals, kasunod ni Dennis Espino na may 26 puntos.
Sina Tutt, Aquino at Duremdes na may 17 at 15-puntos, ayon sa pag-kakasunod ay may pinagsama-samang 23-puntos sa ikaapat na quarter para mapag-iwanan ang pagod na Alaska sa 77-66 sa pamamagitan ng 18-5 run. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am