Pinagbidahan nina Lou Gatumbato at Ismael Junio ang tagumpay ng Blu sa pinagsamang 9-puntos sa extra period. Si Gatumbato na tumapos nang may 17 puntos ang pinakamataas na produksiyon sa ikalawang araw ng torneo ang nagdala sa laro sa overtime, nang bumato ito ng triple, may 2.6 segundo na lang ang nalalabi sa regulation.
Binuksan ni Gatumbato ang extra five minutes sa pamamagitan ng back-to-back baskets na tinampukan ng tres ni Junio para sa 9-0 run.
Ngunit isang 7-1 bomba ang pinangunahan ni Cholo Villanueva na naglapit sa Archers sa 78-81.
Ngunit iyon na ang huling hirit nila nang kumana ng charities si Junio para iselyo ang panalo.