ICTSI sinabon ng Blu Star
November 10, 2003 | 12:00am
Pinabagsak ng Blu Star Detergent ang ICTSI-La Salle sa isang kapana-panabik na shootout patungo sa huling hininga para itala ang 85-80 tagumpay sa overtime game ng PBL Platinum Cup sa Pasig Sports Center.
Pinagbidahan nina Lou Gatumbato at Ismael Junio ang tagumpay ng Blu sa pinagsamang 9-puntos sa extra period. Si Gatumbato na tumapos nang may 17 puntos ang pinakamataas na produksiyon sa ikalawang araw ng torneo ang nagdala sa laro sa overtime, nang bumato ito ng triple, may 2.6 segundo na lang ang nalalabi sa regulation.
Binuksan ni Gatumbato ang extra five minutes sa pamamagitan ng back-to-back baskets na tinampukan ng tres ni Junio para sa 9-0 run.
Ngunit isang 7-1 bomba ang pinangunahan ni Cholo Villanueva na naglapit sa Archers sa 78-81.
Ngunit iyon na ang huling hirit nila nang kumana ng charities si Junio para iselyo ang panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended