^

PSN Palaro

NAPASUBO

Game Na ! - Bill Velasco -
Habang binibilang ng buong bansa ang araw bago dumatal ang Pasko, may iilang nagbibilang ng hamak na mas maikling kalendaryo.

Napakaikli na ng panahon para sa paghahanda ng Jemah Television para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Vietnam.

Tatlong linggo na lamang, magbubukas na.

"Gumagawa na kami ng billiards nitong taong ito," paliwanag ni Marc Roces, pinuno ng Jemah. "Nalaman namin mula sa kaklase kong si Cito Dayrit (pangulo ng Phil. Olympic Committee) na walang magkokober ng SEA Games. Kaya kinuha namin."

Kakaibang hamon itong pinasok ng Jemah. Una, hiwa-hiwalay ang pinagdarausan ng mga laro.

Pangalawa, mga militar ang kausap ng mga brodkaster, kaya mahigpit sa seguridad.

Isa pa, halos puno na ang mga hotel. Dagdag pa rito ang puwersahang pagpapataas ng presyo ng lahat ng bagay para lubusin ang kita. Ipit na ang grupo ng Jemah, pero paninindigan nila ang pag-alpas sa pagsubok na ito.

"Ginawa namin ito dahil naniniwala kami sa Pilipino," sabi ni Freddie Infante, beterano sa TV sales at marketing at opisyal ng Jemah.

"Nananawagan kami sa mga isponsor na suportahan ang mga atleta natin. Huwag tayong magreklamo sa kalibre nila kung di natin sila tutulungan."

Humigit-kumulang 25 katao ang ipadadala ng prodyuser sa Vietnam.

Napakaliit na grupo, para sa isang napakalaking proyekto.

Tulungan natin sila.

CITO DAYRIT

DAGDAG

FREDDIE INFANTE

GINAWA

JEMAH

JEMAH TELEVISION

MARC ROCES

OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with