^

PSN Palaro

Pinoy cue artists bigo sa opening

-
Hindi lamang masama ang naging araw para sa kampanya ng mga Pinoy cue masters kundi hindi rin naging maganda ang ipinalabas na resulta ng International Billiards Congress sa Tokyo 9-ball championships nang wala man lang sa walong Pinoy na kalahok ang nanalo sa opening stage ng winners side kabilang na ang mga pambatong sina defending champion Francisco ‘Django’ Bustamante at 2001 winner Efren ‘Bata’ Reyes na kapwa napalista sa losers bracket.

Ang dalawang Pinoy pool wizards ay kabilang sa mga paborito para sa top prize na $15,000 ay makakasama sa losers bracket sina Antonio Gabica, E. Acaba, Antonio Lining at Ramil Gallego habang ang beteranong si Rodolfo ‘Boy Samson’ Luat at ang Joss North East tour sensation na si Ronnie Alcano ay lumasap ng dalawang kabiguan at napatalsik bagamat nagkaroon ng kalituhan nang ilagay ng International Billiards Cong-ress si Alcano na susunod na makakalaban si Tom Storm

Base sa paghalukay sa mga resulta kung saan hindi man lang ipinoste ng IBC ang match scores, dinaig ni Bustamante si Lining sa opening match ngunit natalo kay Charlie Williams sa sumunod na laro. Sinilat naman ng kababayang si Gallego si Reyes ngunit pina-yuko si Nicholas Bergendoff at susunod na makakalaban si 2001 World Pool Cham-pion Mika Immonen sa crucial match sa losers bracket.

Sa kabilang dako, si Gabica, na natalo kay Johnny Archer, na umaasam na magwawagi ng kanyang ikalimang sunod na titulo at una sa Tokyo ay bumalik upang umiskor naman ng impresibong panalo laban kay Dutchman Nick Van Den Berg at sunod na makaka-harap si Junsuke Inoue.

Isa sa pinakamalaking upset sa opening round ay ang tagumpay ni E. Acaba na sinorpresa si World Pool Champion Thorsten Hohmann ngunit natalo naman sa kababayang si Alcano.

ACABA

ALCANO

ANTONIO GABICA

ANTONIO LINING

BOY SAMSON

BUSTAMANTE

CHARLIE WILLIAMS

DUTCHMAN NICK VAN DEN BERG

INTERNATIONAL BILLIARDS CONG

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with