^

PSN Palaro

Ikatlong batch ng atleta mabibiyayaan ng FG Foundation

-
Sampung taekwondo jins, limang tracksters, apat na siklista, tatlong boksingero at anim na iba pang atleta ang ikatlong batch na mabe-benipisyuhan ng P24 milyon donasyon mula sa iba’t ibang pribadong korporasyon para suportahan ang ‘Medalyang Ginto, May Laban Tayo!’ project ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo.

Kabilang din sa listahan ang dalawang gymnasts, isang karateka, isang archer at dalawang pencak silat athletes na mabebenipisyuhan ng FG Foundation fund.

Ang 28 atleta ay siyang inindorso ng kani-kanilang National Sports Association sa Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairman Eric Buhain na naging bahagi ng pagkalap ng pondo para sa First Gentleman project na layuning mabigyan ang mga Filipino athletes ng karag-dagang foreign exposures bilang bahagi ng kani-kanilang buildup para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Vietnam.

Kakampanya ang Pilipinas sa Dec. 5-13 Games sa Hanoi at Ho Chi Mhin City sa mara-ming bilang ng sports parti-kular na sa 17 disciplines na inampon ng 18 corporations sa pangunguna ng San Miguel Corp., na siyang nagpasimula ng pagbibigay ng pondo ng maghatag ng P10 milyon sa ginaganap na pledging session na pinasi-mulan ni Atty. Arroyo sa Malacañang noong naka-raang Agosto.

Ang ikatlong batch ng mga atleta ay nakatakdang sumu-nod sa unang 48 atleta na ipinadala sa abroad ng FG Foundation sa pamamagitan ng PSC upang ihulma ang kani-kanilang kakayahan at morale para palakasin ang tsansa na manalo sa Vietnam meets.

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN ATTY

HO CHI MHIN CITY

MAY LABAN TAYO

MEDALYANG GINTO

MIKE ARROYO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SAN MIGUEL CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with