HANDANG-HANDA NA ang PBL
November 7, 2003 | 12:00am
Handa na ang PBL bukas para sa kanilang bagong conference. Kahit na hindi masyadong bongga ang gagawin nilang opening ceremonies, inaasahan namang maraming manonood dahil ang mga college superstars natin mula sa NCAA at UAAP ay mapapanood muli sa PBL.
And take note, covered na sila ng Studio 23 at live sila bukas sa kanilang opening.
Handang-handa na ang Welcoat sa gagawin nilang pagdedepensa ng kanilang title.
Hindi man sila nag-champion last conference, ready na sila para bumawi at itayong muli ang bandila ng Paintmasters.
Nananatiling team owners sina Mr. Tony Yu, Margaret Yu, Raymond Yu, at Terry Que samantalang ang mga team manager ay si Albert de Jesus at ang assistant na si Boy Lapid.
Ang coaching staff ay pamumunuan ni Leo Austria at ang kanyang assistants ay sina Kaloy Garcia, at Jay Legacion. Si Samboy Lim pa rin ang tumatayong consultant.
Nung isang araw ay nagsagawa sila ng kanilang traditional mass at kahapon naman ay ang simple nilang team building na dinaluhan ng buong tropa.
Masayang-masaya ang team na ito at sa tingin ko, napaka-solid na sila at more than ready to be champions again.
Ang pagkakadagdag ni James Yap sa team ay isang malaking bagay para sa Welcoat. Dahil all around player itong si James, tiyak na pakikinabangan siya ng husto ni Coach Leo. To think na nandyan na ang kanyang ka-UE tandem na si Paul Artadi, tiyak na magiging effective ang combination nila.
Si Paul ay malamang na magpa-draft na sa PBA next year, pero itong si James ay mukhang nagdadalawang-isip pa kung magpo-pro na siya o hindi pa.
Si Jay Reyes ay isa ring magandang acquisition dahil sa makaka-tulong ito sa gitna.
At ngayon na ang pagkakataon para kay Irvin Sotto na sumiklab at magpakita ng husto dahil naniniwala akong PBA material din siya.
At si Mark Pingris, mukhang handang-handa na rin ang batang ito para magiging isang PBL superstar.
Happy happy birthday kay Ms. Janice de Belen (Nov. 9), Rowell Santiago (November 11), pati na rin sa ating kaibigan na si Rhea Navarro (Nov.12), kay Welcoat team manager Albert de Jesus (Nov.10), at advanced happy birthday na rin kay Jerrry Codiñera (Nov.14).
And take note, covered na sila ng Studio 23 at live sila bukas sa kanilang opening.
Hindi man sila nag-champion last conference, ready na sila para bumawi at itayong muli ang bandila ng Paintmasters.
Nananatiling team owners sina Mr. Tony Yu, Margaret Yu, Raymond Yu, at Terry Que samantalang ang mga team manager ay si Albert de Jesus at ang assistant na si Boy Lapid.
Ang coaching staff ay pamumunuan ni Leo Austria at ang kanyang assistants ay sina Kaloy Garcia, at Jay Legacion. Si Samboy Lim pa rin ang tumatayong consultant.
Nung isang araw ay nagsagawa sila ng kanilang traditional mass at kahapon naman ay ang simple nilang team building na dinaluhan ng buong tropa.
Masayang-masaya ang team na ito at sa tingin ko, napaka-solid na sila at more than ready to be champions again.
Si Paul ay malamang na magpa-draft na sa PBA next year, pero itong si James ay mukhang nagdadalawang-isip pa kung magpo-pro na siya o hindi pa.
Si Jay Reyes ay isa ring magandang acquisition dahil sa makaka-tulong ito sa gitna.
At ngayon na ang pagkakataon para kay Irvin Sotto na sumiklab at magpakita ng husto dahil naniniwala akong PBA material din siya.
At si Mark Pingris, mukhang handang-handa na rin ang batang ito para magiging isang PBL superstar.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended