^

PSN Palaro

Metro Manila Tour papadyak sa Linggo

-
Pamumunuan ni Tour Pilipinas 2003 champion Arnel Quirimit ang 84-cyclists field na papadyak para sa karangalan ng kabuuang premyong P165,000 ngayong Linggo sa Tour of Metro Manila, isang 114-km massed start race na magsisimula at magwawakas sa Marikina Sports Park.

Ang pangunahing premyo sa karera na inihanda ng Air21 sa tulong ng FedEx at Mail and More bilang major supporters at itinataguyod din ng PBA-MS (official insurer), Caltex (official fuel provider) at Lipovitan (official energy drink) ay nagkakahalaga ng P25,000.

Tatanggap naman ang runner-up ng P20,000, at ang third placer ay P15,000, fourth P12,000 at fifth P10,000 sa karerang lalahukan ng 12 koponan na naglaban noong nakaraang Tour Pilipinas-- Tanduay, Intel, Samsung, PagcorSports, Bowling Gold, PLDT-NDD, Gilbey’s Island Punch, DILG Patrol 117, DILG Drug Busters, DENR Ecosavers, DOTC Postmen at BIR Vat Riders.

Pagkatapos ng Metro Manila Tour, dalawa pang karera ang naitakda ng Tour Pilipinas Inc. Ito ay ang tour qualifying sa Batangas sa Nobyembre 15 at 16 kung saan may 300 na siklista na pangungunahan naman ng national rider na si Victor Espiritu ang maglalaban-laban sa kauna-unahang Tour of Puerto Princesa na iho-host ni Mayor Edward Hagedorn sa Nobyembre 29 at 30.

And 84 siklista ay iikot sa Metro Manila at tatahakin ang UP Balara, Fairview, Nova-liches, Balintawak, Monu-mento, Rizal Avenue sa Kalookan, Abad Santos, Binondo, Jones Bridge, Aduana, Roxas Boulevard, Gil Puyat, Macapagal Avenue, NAIA Road,Sucat at Alabang, ang turning point.

Dadaan din ito sa may Alabang, Bicutan, C-5 Road, Rosario, Antipolo at Sumulong pabalik na sa Marikina Sports Park finish.

ABAD SANTOS

ALABANG

ARNEL QUIRIMIT

BOWLING GOLD

DRUG BUSTERS

GIL PUYAT

ISLAND PUNCH

JONES BRIDGE

MARIKINA SPORTS PARK

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with