Aabot sa weight limit si Gabi
November 6, 2003 | 12:00am
Nagpahayag ng kumpiyansa ang rising star na si Prince Gabi ng North Cotabato na madali niyang maaabot ang 112 lb limit sa official weigh-in sa Sabado.
Tatangkain ng 24 anyos na si Gabi na maagaw ang WBC International flyweight crown kay defending champion Randy Mangubat at nangakong gagawin ito sa pamamagitan ng impresibong paraan sa harap ng mga kababayan.
Ang Gabi-Mangubat show-down ang tampok sa San Miguel Corporation-sponsored Engkwentro card sa Linggo sa 10,000 capacity North Cotabato Provincial Gymnasium.
"Gabi weighed just two pounds over the limit yesterday. And he was even eating full meals," wika ng isang miyembro ng Team Gabi sa isang panayam kahapon.
Inilahad din ng source na sasabak sa aksiyon si Gabi matapos dominahin ang mga ka-sparr sa Fort Stone gym.
Dalawang beses nitong pinabagsak si Alfred Bulala, isang featherweight boxer mula sa Bukidnon sa kanilang sparring at nabalian ito ng ribcage.
Samantala, inaasahang darating ang Team Mangu-bat bukas, ilang araw bago ang weigh-in. Si Mangubat ay sasamahan ng kanyang manager na si Yuki Murayama at trainer Lando Espinosa, na kapatid ng ex-world champion na si Luisito Espinosa.
Kasama din sa aksiyon ang pagsabak nina Philippine junior lightweight champion Bobby Pacquiao at dating Sydney Olympian Danilo Lerio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended