Panasonic NBL Regional Cup: Grachiya Falcons vs Ilocos Sur

Isasagawa ng newly-crowned University Games champion Grachiya-Adamson ang kanilang debut sa 2003 Panasonic NBL Regional Cup tournament ngayon kung saan haharapin nila ang isa ring bagitong Ilocos Sur Snipers sa alas-3:30 ng hapon sa Adamson University gym.

Iginigiya ni Luigi Trillo, bahagyang paborito ang Grachiya-Adamson squad kontra sa Snipers matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa Unigames kung saan ginapi nila ang UAAP champion FEU.

Mangunguna sa Grachiya-Adamson sa kanilang kampanya para sa korona sina Kenneth Bono, pointguard Ramil Tagupa, Patrick Cabahug, Jojo Hate, Mark Abadia, Marvin Poloyapoy, Patrick Tiongco, Jeff Tajonera, Reiniel Catabay, Roel Capati, Kim Ganda-rosa, Roel Hugnatan, Richard Alonzo at Mark Kong.

Ang hamon ng Grachiya-Adamson ay tatapatan ng Snipers sa pagtutulungan nina Francis Machica, Ken Gumpenberger, Kalani Ferreria, Oliver Agapito at Kenny Evans.

Siyam na koponan ang maglalaban-laban sa Panasonic NBL Cups. Ang iba pang koponan ay ang Pampanga, Forward Taguig, MayniLa Mail and More at Negros.

Show comments