"Pipilitin namin ni Joey na maduplicate iyong performance namin sa Bangkok, Thailand kung saan ay champion si Joey at tied for 8-15th place naman ako, I mean mas maganda ang laban namin dito sa Leuven, Belgium kasi kasali dito si Eugene at posible din si Mark, halos kumpleto kami," ani San Juan-based GM Villamayor.
Sa kabilang dako, patungo rin sa Belgium si Asias First Grandmaster Eugene Torre na pinuno ng delegation sa 10-youth chessers na lumahok sa 2003 World Youth Chess Championships mula sa Haldiki, Greece, gayundin si GM candidate Mark Paragua para lumahok sa naturang chessfest.
Optimistiko naman si National Chess Federation of the Philippines secretary-general Atty. Samuel Estimo sa magandang performance na ibibigay ng apat na chess players.