Ang motorsiklo,bow
November 4, 2003 | 12:00am
Hindi pa natatapos ang aking panaginip sa aking pagdalaw sa 37th Tokyo Motorshow na magtatapos na bukas.
Tulad noong una kong naisulat, namangha ako ng husto sa mga motorsiklo.
At sa imbitasyon nga ng Honda Philippines, doon ko nakita kung gaano ka-high tech ang mga ginagawa nilang motorcycles.
Parang sa isang panaginip lamang ang pagkaka-display ng mga big bikes sa Dream Wings ng Honda booth sa North Hall ng Makuhari Messe, na tulad ng pagkakatatag ng founder na si Soichiro Honda.
Tampok sa exhibit ay ang pagkakadisplay ng Griffon, na isang 750cc engine, 4-cylinder na may automatic transmission. Parang isang kotse na ito.
Nakahilera din ang ilang limitadong gawa na tulad ng Honda Valkyrie Rune, isang neo-classic styling na pinalakas ng 1800cc liquid-cooled 4-stroke OHC flat-6, na siyang tampok din sa bagong Goldwing 1800 Touring motorcycle.
Nakabandera din ang bagong Honda CBR1000RR sports bike katabi ng popular na CBR600RR at CB750.
Bukod pa dito ang CB1300 Super Four Type-R, na galing sa Suzuka 8-hour race, katabi ng Honda CB400 Super Four na pinalakas ng Hyper-VTEC Spec III technology, na maaring magpalit mula sa two-valves hanggang four valves bawat cylinder depende sa pagpapalit ng tulin. Hindi rin pahuhuli ang naka-display na Honda scooters, na ilan dito ay ang pinalakas na Honda Forza 250 na may electronically-controlled Sportsmatic transmission, Honda PS250 Urban Scooter at environment-friendly Honda Dio Z4 FI na may fuel-injected 50cc motor.
Ang tema ng Honda ay nakapalibot sa Ecology, Safety and Security.
Kaya naman tulo ang laway ng asawa kong si Rollie, si Pareng Isko Majerano at Jerry Madla at panay buntung-hininga habang binabalik-balikan ang mga pahina ng mga brochures na dala ko mula sa Motorshow.
"Sana manalo ako sa lotto. Mag-oorder ako ng isang Honda Goldwing" pangarap ni Isko habang titig na titig sa kulay pulang Honda Goldwing sa hindi niya mabitiw-bitiwang brochures.
Personal: Happy Birthday sa aking dearest daughter na si Lanie na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. At siyempre sa kumpareng Jun Bernardino ko sa Nov. 9, Rhea Navarro (Nov. 12), Norman Black (Nov. 12). Belated Happy Birthday din kay Olsen Racela (Nov. 1)
Tulad noong una kong naisulat, namangha ako ng husto sa mga motorsiklo.
At sa imbitasyon nga ng Honda Philippines, doon ko nakita kung gaano ka-high tech ang mga ginagawa nilang motorcycles.
Parang sa isang panaginip lamang ang pagkaka-display ng mga big bikes sa Dream Wings ng Honda booth sa North Hall ng Makuhari Messe, na tulad ng pagkakatatag ng founder na si Soichiro Honda.
Tampok sa exhibit ay ang pagkakadisplay ng Griffon, na isang 750cc engine, 4-cylinder na may automatic transmission. Parang isang kotse na ito.
Nakahilera din ang ilang limitadong gawa na tulad ng Honda Valkyrie Rune, isang neo-classic styling na pinalakas ng 1800cc liquid-cooled 4-stroke OHC flat-6, na siyang tampok din sa bagong Goldwing 1800 Touring motorcycle.
Nakabandera din ang bagong Honda CBR1000RR sports bike katabi ng popular na CBR600RR at CB750.
Bukod pa dito ang CB1300 Super Four Type-R, na galing sa Suzuka 8-hour race, katabi ng Honda CB400 Super Four na pinalakas ng Hyper-VTEC Spec III technology, na maaring magpalit mula sa two-valves hanggang four valves bawat cylinder depende sa pagpapalit ng tulin. Hindi rin pahuhuli ang naka-display na Honda scooters, na ilan dito ay ang pinalakas na Honda Forza 250 na may electronically-controlled Sportsmatic transmission, Honda PS250 Urban Scooter at environment-friendly Honda Dio Z4 FI na may fuel-injected 50cc motor.
Ang tema ng Honda ay nakapalibot sa Ecology, Safety and Security.
Kaya naman tulo ang laway ng asawa kong si Rollie, si Pareng Isko Majerano at Jerry Madla at panay buntung-hininga habang binabalik-balikan ang mga pahina ng mga brochures na dala ko mula sa Motorshow.
"Sana manalo ako sa lotto. Mag-oorder ako ng isang Honda Goldwing" pangarap ni Isko habang titig na titig sa kulay pulang Honda Goldwing sa hindi niya mabitiw-bitiwang brochures.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended