Ang nasabing dala-wang koponan ay nag-sagawa ng malawakang pagbabago sa kanilang koponan at inaasahang isang panibagong klasikong showdown sa pagitan ng dalawang higanteng koponan ang ginagarantiyahang masa-saksihan ng mga basketball fanatics.
Upang tuluyang maibaon sa limot ang mapait na alaala sa nakaraang Sunkist Unity Cup kung saan tumapos ang Paint Masters ng ikaanim na puwesto, pinalakas nito ang kanilang line-up sa paghugot sa sweet-shooting na sina James Yap ng University of the East, 6-foot-7 na si Irvin Sotto, 6-foot-7 na si JR Reyes ng UP at Nelbert Omolon. Muli rin nilang kinuha ang serbisyo ng may kabilisang si Paul Artadi.
At dahil sa paghugot sa mga nasabing mahuhusay na players, dagdag pa rito ang mga beterano sa line-up na kinabibilangan nina Jercules Tangkay, Mark Pingris, Willie Wilson at Mac Cuan, tila nababanaag na ang pag-babalik ng masasayang araw ng Paint Masters.
At bakit hindi?
Maging si coach Leo Austria ay kumbinsido na ang kanyang koponan ay mas di hamak na mas malakas at kompetitibo kumpara sa unang kumperensiya.
Ngunit malalaman natin kung ubra nga nilang matanggalan ng korona ang Fash (dating Hapee) sa darating na Sabado sa kanilang na-katakdang pakikipag-laban sa bagitong Sun-kist-University of Santo Tomas sa pagbubukas ng season-ending 2003 PBL Platinum Cup sa Pasig Sports Center.