"I cant believe this is happening!," sorpresang wika ni Suarez maka-raang gapiin si Marce Van den Bosch ng Nether-lands, 205-202 at 232-209, para makopo ang mens title na nagbigay sa bansa ng 7 World Cup championships ng mga Pinoy bowlers.
Apat nito ay napagwagian ni Paeng Nepomuceno (1976, 1980, 1992, at 1996), tig-isa kina Lita dela Rosa (1978), Bong Coo (1979), at Suarez (2003).
Ang 24 anyos na IT consultant at negosyanteng si Suarez, ay kaliwete ring tulad ng kanyang idolong si Nepomuceno.