MMBL di-dribol sa Nov. 8
November 3, 2003 | 12:00am
Ang pinakamalaking high school basketball tournament sa bansa ang apat na division na Metro Manila Basketball League (MMBL) ay nakatakdang pumalaot ng kanilang ika-21st season sa Nov. 8-9 kung saan may anim na sultadang pakakawalan sa Brent International School Manilas air-conditioned south campus gym.
Tampok sa opening games ang defending Division I champion na San Beda kontra sa La Salle Greenhills B, Adamson A vs Letran College B, Division II titlist San Beda B kontra sa Chiang Kai Shek College, Faith Academy vs O.B. Montessori-Las Piñas, St. Francis Assissi College System (SFACS-Cavite) laban naman sa Lourdes School Mandaluyong at Xavier School B laban sa Letran College C.
Nanguna ang St. Francis at Xavier noong nakaraang taong Division III at IV, ayon sa pagkakasunod, ngunit ngayon ang SFACS ay kakampanya sa Division II.
Umabot sa kabuuang 64 teams mula sa 42 high schools sa Metro Manila at iba pang kalapit na areas ang maglalaban-laban sa tourney na ito na pangangasiwaan ng NABRO (National Basketball Referees Organization), ang opisyal arm ng BAPI.
Ang 16 teams sa bawat division ay hinati sa dalawang eight-team groups na lalaro ng single round robin sa elimination. Ang top two sa bawat grupo ay lalaro naman sa crossover semifinals sa Jan. 24-25 na ang mananalo ang siya namang maglalaban para sa mataas na karangalan sa Jan. 31.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended