Yakult 10 -Miler tatakbo sa Linggo
November 3, 2003 | 12:00am
Ang sinumang interesadong lumahok sa Yakult 10 Miler sa darating na Linggo ay mayroon na lamang hanggang bukas para magsumite ng kani-kanilang entries sa registration center sa Vasquez Madrigal Plaza Bldg., sa Annapolis St. sa San Juan.
Nasa ika-15th taon ng ginaganap, ang nasabing karera ay magsisimula at magtatapos sa Cultural Center Complex grounds sa Pasay City na tatahak sa Roxas Blvd., at may alok na P180,000 premyo sa top finishers ng nasabing centerpiece 10 MILE event at 3K kiddie run at 5K fun run.
Ang lahat ng finishers ay pagkakalooban ng finishers certificate. Magbibigay rin ng Yakult singlets at ng Yakult health drink. Isang special trophy ang ibibigay sa grupo na may pinakamalaking bilang ng lahok.
At dahil sa pagdiriwang ng ika-25-taong anibersaryo ng Yakult Phils., pagkakalooban ng P7,000 at tropeo ang top finishers sa mens at womens categories ng 10 MILE event, habang ang runners-up ay magbubulsa ng P3,000. Ang 3rd hanggang 5th placers ay kikita ng P2,000, P1,000 at P500, ayon sa pagkakasunod, habang bibigyan ng NIKE shoes ang top two overall finishers ng 10 MILE race, babae at lalaki at ang first finishers sa 5K fun run.
Noong nakaraang taon, umabot sa 2,500 runners ang sumali sa karerang ito kung saan si Eduardo Buenavista ang siyang nanguna sa tiyem-pong 49 mins. 37 secs., habang si Christabel Martes naman sa babae na nagtala ng 1:03:07 at ang 5K run ay dominado ni Rovel Canillo sa kanyang oras na 15:58 kasa-ma si Joan Erespe sa kanyang division na may oras na 19:11.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended