Ang nasabing karera na bahagi ng Tour Pilipinas special races ay magsisimula at magtatapos sa Marikina City Sports Park. Lalahok ang mga riders mula sa 12 teams sa Tour Pilipinas sa nasabing event na itinataguyod ng Air21 at suportado ng FedEx at Mail and More.
Mahigpit na paborito ang Tour Pilipinas 2003 champion na si Arnel Quirimit ng Tanduay Rhum Riders na magwagi sa naturang karera, kasama ang mga kapwa niya national teammates na kakampanya-han ang nasabing event bilang bahagi ng kani-kanilang preparasyon para sa susunod na buwang 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam.
Bukod pa sa Rhum Riders, ang iba pang koponan na magpapakita ng aksiyon ay ang Intel, Samsung, Pagcor Sports, Bowling Gold, PLDT-NDD, Gilbeys Island Punch, DILG Patrol 117, DILG Drug Busters, DENR Ecosavers, DOTC Postmen at BIR Vat Riders.
Si Marikina Mayor Ma. Lourdes Fernando ang siyang maghuhudyat ng pormal na pagsisimula ng karera sa alas-9 ng umaga. Sasabak ang mga siklista hindi lamang para sa nakatayang premyo kundi upang makakuha ng kinakailangang preparasyon para sa qualifying races para sa 2004 Tour Pilipinas.
Nakatakda ang qualifying races sa Nov. 15-isang 190-km massed start race sa out-and-back course sa Cuenca sa Batangas--at sa Nov. 16 na isang 36-km Individual Time Trial mula Lemery patungo sa Tagaytay-Batulao sa Batangas rin.
Aabot sa mahigit 300 riders sa pangunguna ng top national team member na si Victor Espiritu ang nakakuha na ng slot para sa Nov. 15-16 qualifyings.
Ang top 36 siklista sa naka-raang Tour ay awtomatikong seeded na para sa susunod na taong karera ang 21-araw, 17-yugto na event na gaganapin sa Samar at Leyte.
Ang lahat ng qualifiers ay inaabisuhan na kumpletuhin ang kani-kanilang application forms at magdala ng ID cards at dalawang 2x2 photossa 2110 C. del Pilar Street, Singalong, Manila. Para sa detalye, tumawag lamang sa tels. nos. 536-9378 o kay PNCA presi-dent Paquito Rivas sa 0919-2851362 o 0916-2601992.