^

PSN Palaro

Tanamor nakakuha ng gold sa 1st Afro-Asian Games

-
HYDERABAD, India --Naghabol si Harry Tanamor sa malikot niyang kalaban nang bigyan niya ito ng matitinding kombinasyon sa katawan at head blows para payukurin si Mohd Ali Qamar ng India at ibigay sa bansa ang nag-iisang gintong medalya sa first Afro-Asian Games sa GMC Balayogi Stadium sa Gachibowli.

Naghabol si Tanamor matapos itong maiwanan sa 7-11 sa first round at nagpakita ng kakaibang lakas sa huling dalawang rounds sa kanilang kapana-panabik na championship showdown sa lightflyweight division.

Dikit ang naging bakbakan hanggang sa magtabla pa ito sa 19-all matapos ang apat na rounds ngunit sorpresang ibinigay ng limang hurado ang puntos para sa 65-63 panalo ng Pinoy.

"Hindi ko rin akalain na ganun kadikit ang laban, basta sabi ni coach atake lang at kailangang magpatama ng husto," ani Tanamor, na tumutukoy sa turo ni coach Pat Gaspi sa huling tatlong rounds.

Ang tagumpay ni Tanamor ay nagpatahimik sa hometown crowd matapos na gapiin si Johnny Arcilla ng Indian na si Vijay Kannan, 1-6, 1-6 sa men’s singles final ng kalapit na SAAP tennis complex at kasunod nito ang kabiguan ng kababayang boksingerong Pinoy na si Violito Payla sa mas matangkad na si Akhil Kumar, 16-20 sa flyweight class.

Nakuntento sa silver medal sina Arcilla at Payla na nagbigay ng 1 gold, 4 silvers at 10 bronze ng bansa at umangat sa 15th place para sa panimulang event ng dalawang kontinente na pinaghaharian ng Asian superpower China na may 25-11-5 medal tally. Humakot naman ang host India ng 19 golds , 32 silvers at 29 bronzes para sa second place habang ikatlo ang Japan na may 15-6-2 output. Hinirang naman na best finisher ang Nigeria mula sa Africa at ikaapat sa overall sa 10-12-13 medalyang inaani.

Nakakuha din ng silver sina long jumper Lerma Bulauitan at swimming prodigy Liane Marice Marquez (50m backstroke) para sa bansa‚ at bronze mula sa batch ng SEA age group championships sa San Pablo City, at netters na sina Joseph Victorino, Adelo Abadia, Czarina Mae Arevalo at Patricia Santos.

vuukle comment

ADELO ABADIA

AFRO-ASIAN GAMES

AKHIL KUMAR

BALAYOGI STADIUM

CZARINA MAE AREVALO

HARRY TANAMOR

JOHNNY ARCILLA

JOSEPH VICTORINO

LERMA BULAUITAN

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with