^

PSN Palaro

PROBLEMA SA BROADCAST

FREE THROWS - AC Zaldivar -
SAPIN-saping problema na talaga ang hinarap nina commissioner Noli Eala at chairman Jun Cabalan sa kasalukuyang season ng Philippine Basketball Association. Drugs, Fil-shams, television cover-age, pagbaba ng gate attendance at iba pa.

Siguro, sa isip nina Eala at Cabalan, sana’y matapos na lang ang season na ito at nang makapagsimula sila ulit.

Sa totoo lang ay nalampasan naman ng PBA ang problema hinggil sa drugs matapos masuspindi ang ilang mga manlalaro. Nagsilbi itong babala sa mga iba pa na may kaukulang kaparusahan ang mga nagkasala. Kaya naman tiyak na hindi na mauulit pa ang problemang iyon. Sira ulo at wala na talagang disiplina ang mahuhuling gumagamit ng ipinagbabawal na droga dahil sa mawawalan lang sila ng kabuhayan.

Ang Fil-sham problem ay matatapos na rin. Ipagpalagay na nating may mga made-deport na players pero iyon na ang maglalagay ng tuldok sa issue. Isa pa’y tila wala nang mga Fil-foreigners na nag-a-apply sa susunod na Draft.

Sa ngayon siguro, ang pinakamatinding problemang hinaharap ng PBA ay ang television coverage dahil sa patuloy na nagkaka-problema sa NBN Channel 4 at IBC Channel 13.

Bago pa man nagsimula ang season ay talaga namang may problema na ang television coverage, e. Hindi nga ba’t muntik nang mabulilyaso ang opening ceremonies ng PBA? Nandiyang nagkaroon ng simulcast sa dalawang television stations, nagkaroon ng parallel broadcast, nawalan ng radio coverage at inilagay na lang ang audio ng television sa radio, at ngayon nga’y isang channel na lang umeere ang PBA games.

Parang walang katiyakan ang broadcast ng PBA games, e.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit bumababa ang popularidad ng liga. Pero teka, dahil sa wala ngang katiyakan ang pagsasahimpapawid ng mga PBA games, dapat ay tumataas ang gate attendance. Kasi nga’y hindi mo mapanood sa television o mapakinggan sa radio, dapat ay panoorin na lang ng live. Kaya lang, sa aspetong ito ay hindi pa rin umaangat ang PBA.

Kasi, dapat ay kabalikat talaga ng PBA ang broadcast partner nito. Dapat ay maganda ang nagiging projection sa image ng liga.

Kung nagkakagulo sa broadcast, mawawalan din ng gana ang mga fans. Hindi naman kasi puwedeng tuwing game dapat ay nandoon ang mga fans. Namimili rin sila ng papanoorin nila nang live. Karamihan ay sa television pa rin nakatuon ang pansin.

Tumataas na lang ang bilang ng mga nanonood sa playing venue kapag semifinals at finals na lamang. Kumbaga’y nagtitipid din sila dahil sa hirap ng buhay. Para bang nanonood ng sine. Hindi lahat ng palabas sa sinehan ay pinanonood. Namimili din ang nga theater-goers.

So, habang namimili sila, kailangang maganda ang ipinalalabas sa television. Kailangang maengganyo sila na sabihin sa kanilang sarili "no kaya’t manood ako ng live. Tiyak na mas dodoble ang excitement!"

Pero tila hindi nga ganoon ang nangyayari. Sa halip na maengganyo ang mga fans na nanonood sa television, lalo silang nawawalan ng gana.

Dapat siguro, sa susunod na taon, ang PBA na mismo ang humawak ng television coverage.

vuukle comment

ANG FIL

DAPAT

JUN CABALAN

KASI

KAYA

LANG

PBA

TELEVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with