Arcilla papalo din ng gintong medalya
November 1, 2003 | 12:00am
HYDERABAD, India --Sinamahan ng pangunahing Pinoy netter na si Johnny Arcilla ang mga boksingerong sina Harry Tanamor at Violito Payla sa kanilang pagsungkit sa makasaysayang gintong medalya sa first Afro-Asian Games dito, nang humatak ito ng 3 set victory laban kay Sonny Kayombo ng Congo at pumasok sa finals ng mens singles sa SAAP tennis complex.
Bagamat nahaharap sa mas malakas na kalaban si Arcilla sa katauhan ni Vijay Kannan ng India, ang kanyang 7-5, 4-6, 6-1 panalo laban sa African bet ay nagsiguro ng ikali-mang silver medal ng mga Pinoy.
Tulad ni Arcilla, sina Tanamor at Payla ay makikipagtagpo sa mga Indians na kanilang kalaban sa finals bagamat tinalo na ng mga Pinoy fighters sina Mohn Ali Qamar at Akhil Kumar, ayon sa pagkakasunod. Ngunit iba ang kanilang paghaharap ngayon para sa gintong medalya.
Una, sina Qamar at Kumar ay kumuha na ng karanasan at leksiyon sa kanilang nalasap na kabiguan kay Tanamor (sa Busan Asian Games) at Payla (Chowdry Cup sa Azerbaijan noong 2001 semis), ayon sa pagkakasunod at inaaasahan pinaghandaan na nila ang tagpong ito laban sa mga Pinoy sa Gatchibowli in-door gym.
Sumungkit naman ang Filipino netters ng tatlong bronze medal nang yumu-ko ang tandem nina Czarina Mae Arevalo at Patricia Santos kina Sania Mirza at Rushmi Chakravarthy ng India, 4-6, 0-6, sa semis ng womens doubles.
Bigo din ang Pinoy sa kanilang kampanya sa mixed doubles bagamat dalawang team ang umak-yat sa semis nang mabigo sina Adelo Abadia at Arevalo kina Mahesh Bhupati at Mirza, 2-6, 2-6, at yumuko din sina Arcilla at Santos sa tambalan nina Vishal Uppal at Chakravarthy, 7-6 (7-5), 4-6, 4-6.
Patungo sa final day ang Philippines ay may 0-2-10 (g-s-b) para sa 20th place sa lahok na 97 at umasang aakyat sa paglaban sa ginintuang kampanya nina Arcilla, Tanamor at Payla.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended