"Kami mismo ang hahabol sa Summit," ani Isabelo na nangakong ipapagpatuloy pa rin ng NBN-4 ang kanilang pagsasahimpapawid ng mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA) kahit na itinigil na ng IBC-13 ang simulcast coverage noong Miyerkules.
Hindi nakabayad ang SSWC, ang private marketing arm ng PBA games at financial backer ng NBN-4 sa kanilang utang kayat itinigil ng IBC- 13 ang coverage noong Miyerkules.
Dahil dito, nalabag ang kasunduan ng PBA at ng NBN-IBC consortium na ginawaran ng PBA ng tv rights matapos ang alok na P200 million three year contract.
"Kahit wala na ang 13 itutuloy pa rin namin ang coverage. Even if everyone else jumps ship, NBN- 4 will stay dahil kami ang kapitan ng barko. We have a commitment, we have responsibilities and obligations and we intend to fulfill all of these, no matter what," ani Isabelo.
Sinabi pa ni Isabelo na mayroon ding utang ang SSWC sa NBN na humigit kumulang P50 milyon.
Bagamat simulcast coverage ang napagkasunduan ng PBA at NBN-IBC consortium, sinabi ni Isabelo na maaari naman itong baguhin para matapos ang kanilang kontrata.
"Puwede pa naman. We can still turn the situation around, if the PBA will agree to a one station coverage. Kasi, simulcast ang nasa contract," aniya.
"Its not really that bad. As far as our obligations to the PBA is concerned, were paid up to September. Hindi nga lang cash kundi receivables. Mababayaran din namin lahat ng arrears."
Ngunit kung magde-sisyon ang PBA na i-terminate ang kontrata, sinabi ni Isabelo na wala siyang magagawa.
"If that happens, theres nothing we can do. If the league decides to do the production in house, we can still offer them airtime and facilities," aniya. (Ulat ni CVOchoa)