Bustamante vs Archer sa finals
October 31, 2003 | 12:00am
Malinis na naglaro si Francisco Django Bustamante at igupo ang reign-ing World Pool champion na si Thorsten Hohmann ng Germany, 11-2 upang makapasok sa finals ng On Cue II at Studio 23: Battle of Champions kahapon sa Robinson Galleria sa Mandaluyong City.
Mahusay na breaks at pagkuha ng mga tamang anggulo, bigo si Bustamante sa first rack kontra sa 24 anyos na dating miyembro ng German army ngunit mahusay na nilaro ang kabuuan ng laban tungo sa magaan na tagumpay.
"He (Hohmann) was simply unlucky with the balls," ani Bustamante, na naipaghiganti na rin ang 4-7 kabiguan sa German sa eliminations. Tinalo din ni Hohmann si Busta-mante sa quarter-finals ng World Pool event sa Cardiff, Wales noong nakaraang Hulyo.
Matapos ang 0-1 ng kalaban, pinagharian na ni Bustamante ang sumu-nod na walong racks dahil sa mahusay na shot-making. At tila tulala, pinigil ni Hohmann ang pananalasa ng Pinoy nang mapagwagian nito ang 10th rack ngunit hindi pinabayaan ni Busta-mante na makawala pa ang pagkakataong ito.
Tutumbukin ni Busta-mante ang $20,000 pa-premyo sa kampeon kontra kay American Johnny Archer, na namayani naman kay Fil-Canadian Alex Pagu-layan, 11-8 sa isa pang semifinal match.
"Its going to be tough," ani Archer tungkol sa kanyang magiging laban sa pambato ng Pinas na si Bustamante.
Nauna rito, tinalo ni Pagulayan si Earl The Pearl" Strickland, 7-5 para makausad sa semis. Hindi naman naging ma-suwerte ang maalamat na si Efren Bata Reyes nang ginapi ni Johnny Archer 7-6.
Umusad naman sa semis ang 25 anyos nba si Pagulayan, na naka-base na ngayon sa Toronto, makaraang tapu-sin ang eliminations sa 3-1 record sa apat na araw na event na ipiniprisinta ng ABS-CBN Broad-casting Corp at Puyat Sports.
Pinabagsak ni Hoh-mann si Reyes, 7-4 noong Miyerkules ng gabi at tulad ni Pagulayan tinapos ni Hohmann ang eliminations sa 3-1 marka.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended