Davao kampeon sa Palaro

TUBOD, Lanao del Norte -- Dinomina ng Davao Region ang mga hitik sa medalyang disiplina upang tanghalin pangkalahatang kampeon sa elementary at secondary division ng 2003 Palarong Pambansa na opisyal nang nagtapos kahapon.

Naging pivotal ang finals match sa secondary football, kung saan ginapi ng DAVRAA ang host Northern Mindanao para angkinin 11 gintong nakataya sa larong ito.

Bunga nito, ang high school division ng Region XI, na binubuo ng mga probinsiya ng Davao Sur, Davao Oriental, Davao del Norte at Compostella Valley, tumapos na may kabuuang 43 ginto, 39 pilak at 24 tansong medalya.

Ang mga Davaoeño ay nagwagi rin sa softball 99 golds), girls volleyball (6 golds) at 9 na event sa athletics.

Pumangalawa sa DAVRAA sa secondary division ay ang Central Luzon (Region III) na may 36-9-20, na tinampukan ng mga tagumpay sa boys’ archery at athletics kung saan umani sila ng tig-7 ginto at sa sepak takraw na may nakahaing 9 na ginto.

Ang host NMRAA naman na nanguna sa mga unang araw ng kom-petisyon, ay nahulog sa ikatlong puwesto dala ang 35-39-29 koleksiyon. Sila sana ang magiging over-all champion kung tinalo nila ang Davao sa football.

Nasa ikaapat na posisyon naman ang Zamboanga Peninsula (Region IX) na mayroong 15-33-22 kasunod ang Cotabato Region (15-16-20), Bicol Region (12-14-21), CARAGA (8-8-30), Western Visayas (6-8-13), Cordillera Autonomous Region (4-5-6), Eastern Visayas (3-3-14) at Cagayan Valley (0-0-2).

Tumabo naman ang elementary delegation ng DAVRAA ng 18 ginto sa athletics at sila ay nagkampeon din sa girls’ volleyball (6 golds) para sungkitin ang President Gloria Macapagal-Arroyo trophy sa kanilang dibis-yon tangan ang 42-41-23 medalyang ani.

Sumegunda sa kanila ang Northern Mindanao na may 33-33-29 pa-ngatlo ang ZPRAA na mayroong 20-16-25, na sinusundan ng CRAA (12-4-19), CARAGA (8-6-12), BRAA (7-17-6), EVRAA (4-6-20), CARAA (4-1-1), CLRAA (2-5-3), CAVRAA (0-1-3) at WVRAA (0-0-9). (Ulat ni Ian Brion)

Show comments