^

PSN Palaro

Pacquiao, binantaan ng Fil-Am na kalaban

-
Tiyak na aabangan ang labang ito kung saan sinabi ng Fil-Am brawler na si Arnick Arabala ng Colorado na isang magaan na knockout ang kanyang ibibigay kay Philippine Junior lightweight boss Bobby Pacquiao sa kanilang paghaharap sa San Miguel Corporation-backed "Engcuentro" card sa Nobyembre 9 sa North Cotabato Provincial gymnasium.

Ang Pacquiao-Arabala fight ay magsisilbing pangunahing suporta sa Randy Mangubat-Diosdado Gabi WBC International flyweight match na ipo-promote ni Socrates Piñol ng Kidapawan.

Ang 24-year old, orthodox-fighting na si Arabala ay hindi irerespeto ang pag-akyat ni Pacquiao sa ring at nagpahiwatig din na ang kaalaman ng taga-GenSan sa boxing ay wala kumpara sa kanyang mga naging kalaban sa mainland US.

‘Bobby Pacquiao is nothing special. I’m coming to win impressively. Three rounds would be too long," deklara ni Arabala.

Si Arabala ay kumakampanya na sa Denver, Colorado bago dumating sa bansa para harapin si Pacquiao. Kabilang sa malalaking pangalan na kanyang nakalaban sa Amerika ay sina Americans Corey Alarcon at Frank Martinez, Mexicans Cesar Morales at Otoniel Espinosa at Fil-Am Arnel Salvana.

Ang "Engcuentro" card, na suportado ng San Miguel Corporation, ay ang pinakamalaking boxing event sa Mindanao ngayong taon.

AMERICANS COREY ALARCON

ANG PACQUIAO-ARABALA

ARABALA

ARNICK ARABALA

BOBBY PACQUIAO

ENGCUENTRO

FIL-AM ARNEL SALVANA

FRANK MARTINEZ

MEXICANS CESAR MORALES

SAN MIGUEL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with