Nakatakda ang sagupaan sa alas-7:30 ng gabi na siyang main-game pagkatapos ng sagupaan ng Coca-Cola at Red Bull sa unang laro, ganap na alas-5:00 ng hapon.
Ang magtatagumpay na koponan ay makaka-sama ng Sta. Lucia at San Miguel sa susunod na round.
Ngunit hindi pa naman ito ang magiging katapu-san ng matatalong kopo-nan dahil malaki pa ang kanilang tsansang makasama sa susunod na round.
Kung ang FedEx ang mamalasin, maaari pa silang makakuha ng auto-matic quarterfinal slot kung matatalo ang naghahabol na Purefoods sa kanilang huling laban kontra sa Shell.
Manalo man ang TJ Hotdogs, may pag-asa pa rin ang FedEx sa playoffs.
Kung ang Aces naman ang aalatin, may natitira pa itong isang laro at may pag-asa pa silang makuha ang automatic quarterfinal slot. Ngunit kung mabibigo, tulad ng FedEx, may pag-asa pa rin sila sa playoffs.
Ngunit para makasiguro, inaasahang sasandalan ng Aces si import Isaac Fontaine sa kani-lang mahalagang laban ngayon ngunit tatapatan naman ito ni import Ter-rence Shannon ng FedEx na inspirado sa malaking panalo kontra sa Sta. Lucia na nag-ahon sa kanila sa ilalim ng Group standings at sa four game losing streak.
Tangka naman ng Red Bull (9-2) na maitala ang kanilang ikasiyam na sunod na panalo laban sa Group B leader na Coca-Cola, 11-1 para pahabain ang kanilang conference best na winning streak.
Parehong pasok na sa quarterfinals ng Group B ang Tigers at Red Bull kasama ang Ginebra at Sta. Lucia matapos masibak sa kontensiyon ang Shell.
Samantala, muling magpupulong ang PBA Board sa Nov. 4 matapos mabigong desisyunan ang proposal ni Commissioner Noli Eala sa pagbabago ng format at calendar ng liga kamakalawa. (CVOchoa)