Tanio nanorpresa
October 29, 2003 | 12:00am
Humatak ng sorpresa ang di-gaanong kilalang si Venancio Tanio nang gimbalin nito ang dating World Pool champion na si Mika Immonen, 7-5 kahapon sa On Cue II on Studio 23: Battle of champions 9-ball showdown kahapon sa Robinson Galleria sa Ortigas.
Ang 32 anyos na si Tanio, na dumaan sa mahigpit na qualifying ay parang beteranong naglaro nang umiskor ito ng pinakamalaking tagumpay sa kanyang career.
"I wasnt pressured. He (Mika) was the one pressured." ani Tanio, na hinasa ang kanyang kakayahan sa paglaro sa Novaliches billiard halls."
Binalewala ang kumikinang na kakayahahn ni Immonen, maagang naiposte ni Tanio ang abante, 3-1 at halos sagutin ang lahat ng tira ni Immonen sa mga sumunod.
Ang magwawagi sa apat na araw na torneong ito na hatid ng Puyat sports at ABS-CBN ay magbubulsa ng $20,000 habang ang second placer ay $10,000. Ang 3rd at 4th placers ay tatanggap naman ng $5,000 at $3,000, ayon sa pagkakasunod.
"I think Mikas a little bit confidence. He was watching me when I missed so many shots in practice," ani Tanio na silver medalist sa 9-ball doubles sa Kuala Lumpur SEA Games, may dalawang taon na ang nakalilipas.
Samantala, hindi naman naging masuwerte sa unang pagsabak ang pambato ng bansa na si Francisco Django Bustamante nang igupo ito ng nagdedepensang World Pool champion na si Thorsten Hohmann, 7-4. Tinalo din ni Hohmann na tinaguriang "Hitman" si Bustamante sa quarterfinals ng World Championship sa Cardiff, Wales noong Hulyo.
Humatak naman ng atensiyon ang Englishwoman na si Michaela Tabb na mukhang artista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am