Naghari naman si Rodney "The Rocket" Morris, ang 32-gulang na Hawaian na tumalo kay Reyes sa elimination phase sa kapana-panabik na 8-3 panalo kontra kay Hohmann matapos ang 8-6 panalo kontra kay Chinese-Taipei sensation Huikai Hsia sa semifinals.
Nakasama kay Reyes ang kanyang mga errors na siyang dahilan ng kanyang pagkabigong makausad sa finals.
Nanalo si Reyes sa lag ngunit na-scratch nang magmintis ito sa 1-ball upang hayaan si Hohmann na linisin ang lamesa at kunin ang kalamangan.
Nakatabla pa si Reyes sa ikalawa dahil sa masamang break ni Hohmann at sa sumunod na anim na racks, kapwa nagpamalas ng kanilang galing ang dalawang players sa kanilang mga nakakabilib na tira.
Mula sa 4-pagtatabla ng iskor, nakuha ni Hohmann ang kinakailangan niyang break nang magmintis si Reyes para sa 5-4 bentahe.
Isang long shot ni Hohmann sa 2-ball ang nabitin sa bunganga ng pocket at itoy nagbigay ng pagkakataon kay Reyes na muling makatabla sa 5-5.
Ngunit ito na ang huling pagkakataong naka-iskor ang tinaguriang The Magician matapos bumangga ang 2-ball sa 9 at kahit mahirap ang mga posisyon ng bola ay ipinasok itong lahat ni Hohmann.
Gumanda ang break ni Hohmann at winalis niya ang mesa na nagbigay daan para sa World Pool Champion na kunin ang 7-5 kalamangan.
Sinimulan ng dalawang player ang ika-13th rack sa palitan ng safe na tira ngunit nakorner ni H ohmann si Reyes sa isang imposibleng snooker at dahil sa ball-in-hand, tinapos ng German ang laban tungo sa kanyang tagumpay.