^

PSN Palaro

Duck Defenders kampeon sa Phil. Badminton Tournaments Invitationals

-
Tinalo nina Southeast Asian Games veteran Bogs Amahit at ni Raquel Guerrero ang kani-kanilang mga kalaban upang pangunahan ang Duck Defenders sa titulo matapos igupo ang Heron Hitters, 3-0 sa Philippine Badminton Tournaments (PBT) Invitational sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.

Agresibong laro ang ipinamalas ni Amahit, miyembro ng koponang nanalo ng bronze medal sa 1997 Jakarta SEA Games sa deciding third set upang makopo ang men’s singles laban kina three-time Asian Junior Championships campaigner Jaime Junio, 15-11, 11-15, 15-6.

Sa opening ladies singles, nagbigay naman ng mahigpit na hamon si Guerrero, nanalo ng JVC Open 18-under singles at doubles titles, la-ban kay national player Alma Ledesma upang manaig sa 11-3, 8-11, 11-5.

Tinalo naman nina Guerrero at Mylene Amahit, ang mahusay ding asawa ni Bogs, sina Karyn Velez at Alma Ledesma, 15-4, 15-7 pa-ra makumpleto ang kanilang panalo sa premiere badminton series ng bansa na ipinapalabas sa telebisyon na suportado ng Sportshouse, PLDT Vibe at Yonex.

Tinanggap nina Bogs at Mylene Amahit, Guerrero at ng kanilang mga ka-team mate na sina Martin Araneta, Mark Mayo, Maiqui Laurel at team captain Salvador Banquilles ang kanilang gold medals at trophy at P120,000 cash prize mula sa Philippine Badminton Association vice president Gen. Eduardo Aglipay.

Bukod sa silver medal, ang Heron ay mayroon ding P80,000 habang ang Feather Whackers ang naka-bronze at may P40,000.

Ang kumpletong matches ng semifinal at finals ay ipapalabas sa RPN-9 sa Linggo mula alas-4 hanggang alas-6:00 ng gabi at sa Solar Sports sa Martes at Huwebes tuwing alas-6 hanggang alas-8 at may replays sa Miyerkules at Biyernes.

ALMA LEDESMA

ASIAN JUNIOR CHAMPIONSHIPS

BOGS AMAHIT

DUCK DEFENDERS

EDUARDO AGLIPAY

FEATHER WHACKERS

GUERRERO

HERON HITTERS

JAIME JUNIO

MYLENE AMAHIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with