Ang 18-anyos na si Christine Joy Gromio ng DVRAA (Region XI) ang tumanggap ng unang gintong medalyang ibinigay sa Palarong ito matapos niyang pagwagian ang secondary girls shot put matapos pumukol ng 8.84 metro.
Ang tagumpay na ito ni Gromio ay dinuplikahan ng kakampi niyang si Pascual Darrel Cabañero na pinagharian naman ang secondary boys division ng naturang event.
Ang 17 taong gulang at taga-Davao del Sur na si Cabañero ay nagrehistro ng 10.82-metrong distansya. Subalit ang pinakamalaking ingay ay nangyari sa swimming pool ng Mindanao Civic Center dulot ng mga manlalangoy ng NMRAA (Region X) na tumabo ng 12 sa 16 na gin-tong itinaya sa sport na ito sa pangunguna ni Haroon Cali.
Ang 17-anyos at residente ng Iligan City na si Cali ay nagwagi sa 400-m freestyle at 200-m butterfly ng secondary boys division at siyam rin ang namumuno sa kanilang koponan sa pagkopo ng ginto sa 4x100-m medley relay.
Nagwagi rin para sa NMRAA ang mga tankers na sina Shahani Navarro (SG 400-m free), ang 3rd Mindanao Games most bemedalled athlete na si Monique Bacolod (SG 100-m back), Sadam Alexander Garrido (EB 200-m free) Nianh Lyn Marie Acain (SG 200-m butterfly) at Margarette Chiong (EG 50-m) butterfly.
Ang host delegation ay nagkampeon din sa 400-m medley relay ng elemen-tary boys, elementary girls at secondary girls division. Dahil dito, ang Northern Mindanao ang umokupa sa liderato ng overall medal standings ng elementary at secondary division, na may 5-0-3 at 7-1-3 gold-silver-bronze, ayon sa pagkakasunod.
Sila ay sinusundan ng Central Mindanao (Region 12) Elementary na may 2 golds at DVRAA sa secon-dary na may 3-2-2. (IBRION)