Palarong Pambansa binuksan ni Pangulong Arroyo
October 26, 2003 | 12:00am
TUBOD, Lanao del Norte -- Hindi inalintana ang pagbuhos ng ulan at banta sa seguridad, ang 2003 Palarong Pambansa, matapos ang tatlong beses na pagpapaliban, ay pormal nang nagbukas kahapon at walang iba kundi si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang siyang nanguna sa pambungad na seremonya dito sa Mindanao Civic Center.
Muling inihayag ang kanyang adhikain para sa isang matatag na republika, hinamon ni Pangulong Arroyo ang lahat ng mga kalahok, partikular ang mga estudyanteng atleta, na ipakita ang lahat ng kanilang makakaya, hindi lamang sa palakasan kundi pati na rin sa pagsulong ng kaunlaran at kapayapaan.
"Doblehin nyo ang inyong makakaya at gamitin ang inyong natutunan para sa kinabukasan. Let us be united. Let us be one team, The team of the Republic of the Philippines," wika ni Pangulong Arroyo sa harap ng humigit kumulang na 4,000 atleta at opisyal mula sa 13 rehiyon ng bansa.
Ang matagumpay na pagpapasimula ng taunang kompetisyong ito ay nagmarka rin sa katuparan ng matagal ng pangarap ng mga tao sa probinsyang ito, sa pangunguna ni Gobernador Imelda Quibranza-Dimaporo at ng asawa nitong si congressman Abdullah Dimaporo, na maidaos sa ipinagmamalaki nilang P500 milyong gusaling ito.
"Despite all of the problem we did not lose hope. Our dreams, our aspiration to host the Palarong Pambansa continued," ani governor Dimaporo, na nagpahayag din ng labis na pasasalamat sa pangulo. "If there is one person who knows the reason, the sacrifices we have made, its no less than madam president Gloria Macapagal-Arroyo. Without you madam president, we have lost our dreams."
Bukod sa mga Dimaporo, si Pangulong Arroyo ay sinamahan din sa pagpapasinaya ng palarong ito nina Tourism secretary Richard Gordon, presidential assistant for Mindanao Affairs Jesus Dureza at ni Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain.
May temang "Bridging the gap across the nation through games of peace and unity", ang edisyong ito ng palaro ay mayroong 16 na event na paglalabanan 2,544 atleta. Ito ay ang archery, athletics, badminton, baseball, boxing, chess, football, gymnastics, lawn tennis, sepak takraw, sipa, softball, swimming, table tennis, taekwondo, at vol-leyball. (Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended