CBL finals simula na ngayon
October 25, 2003 | 12:00am
Sisimulan ng Beer na Beer at Skyflakes ang kani-kanilang kampanya para sa prestihiyosong korona at top prize na P100,000 sa pagsisimula ng Corporate Billiards League (CBL) best-of-seven championship series sa Robinsons Galleria.
Ang nasabing laban ay hatid ng Tanduay, The No. 1 Rhum na may su-porta mula sa Rommels Billiards --ang opisyal na lamesa at ipalalabas ito sa National Broadcasting Network ngayong gabi sa primetime, 8-9 ng gabi at ang hosts dito ay sina Dany Romero at Recah Trinidad.
Mahigpit na paborito ang Beer na Beer sa nasabing event dahil sa pagkakaroon ng No. 1 RP at Asian Snooker player na si Marlon Manalo na pumukaw ng atensiyon sa international matapos na gapiin ang dating world champion na si Mika Immonen sa Cardiff, Wales.
Si Manalo ay susuportahan ni Al Ortega at Emil dela Paz na tinaguriang Bagong Tirador.
Sa kanilang semifinals na laban, sina Manalo at Ortega ang siyang sinan-dalan ng kanilang kopo-nan nang umiskor ito ng mga krusiyal na panalo sa final na apat na racks tungo sa 5-2 tagumpay kontra sa Skyflakes.
At dahil sa pagkata-long ito, inaasahan na kipkip ng Skyflakes ang kanilang matinding paghihiganti at ito ay isasakutaparan ng SEA Games medalists na sina Venancio Tanyo at Dennis Baay at ang beteranong local campaigner na si Fred Troy Danao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended