RP Youth chessers nagparamdam
October 25, 2003 | 12:00am
NAGPARAMDAM agad sina National Master Oliver Barbosa (ELO 2293), Julius Joseph de Ramos at Jan Jodily Fronda matapos magwagi sa kani-kanilang kalaban para manguna sa sampung-kataong kumatawan sa bansa matapos ang opening round ng 2003 World Youth Chess Championships sa Halkidiki, Greece.
Pinasuko ng 18-years-old RESPSCI 4th yr. high school student na si Barbosa, na ika-27 puwesto noong 2001 edition sa Oropesa, Spain si Lieven Artels ng Belgium para makatapat sa ikalawang round si Spanish Jerez Jose Carlos Ibarra (ELO 2413) sa boys 18 and under.
Tinalo naman ng top gunner ng 16-anyos na NCAA champ Letran Col-lege na si De Ramos, board 1 champion at MVP sa NCAA meet sa taong ito, si Ilia Kakushadze ng Georgia at naka-iskedyul naman sa susunod na round kay Egyptian bet Ahmed Adly (ELO 2448) para sa boys 16 and under.
Nagwagi din ang 9-years-old na si Fronda na suportado ni Alabang Barangay chairman Vic Ulanday, kay Miriam Venturelli ng Italy sa girls 10 and under at susunod nitong kalaban si Dominyka Batkovs-kyte ng Lithuania.
Nauwi naman sa tabla ang laro nina Sherily Cua (girls 16 and under); Karl Victor Ochoa (boys 12 and under 12) at Wesley So (boys 10 and under).
Tabla ang 16-years-old, UP student B.S. Education na si Cua kay Ekaterina Prudnikova (ELO 2098) ng Russia; hati din ng puntos ang 12-years-old Calumpit, Bulacan pride na si Ochoa at Aleksandrs Hohluks ng Latvia; at draw din ang 10-years-old Shell Grand kiddy champion na si So at Kostas Malamatas ng Greece.
Natalo naman sina Arianne Aguja (girls 18 and under); Nelson Elo Mariano II (boys 14 and under); Cindy Atayde (girls 14 and under); at Cheyzer Mendoza (girls 12 and under) sa kani-kanilang kalaban.
Dapa si Aguja na siyang pumalit kay Ezraline Alvarez ng Bicol, kay Elitsa Raeva (ELO 2174) ng Bulgaria; bigo din ang 13-years-old na si Mariano kay KoonJong Jason Goh (ELO 2314) ng Singapore; kinapos din ang 14-years-old San Jose Del Mo-nte, Bulacan pride Atayde kay Ana Filipa Baptista (ELO 2053) ng Portugal at yuko ang 12-years-old LICS pupil na si Mendoza kay Spela Orehek ng Slovania.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest