World MotoGP winning bike tampok sa Tokyo Motor Show
October 24, 2003 | 12:00am
TOKYO, Japan -- isa sa ibinandera sa 37th Tokyo Motor Show ay ang pabolosong motorsiklo na ginamit ni Valentino Rossi nang masungkit nito ang kanyang ikatlong World MotoGP title.
Ito ay ang kulay orange at black na RC211V at nakatatak ang number 46 ng 24 anyos na skipper ng Repsol-Honda Team na isa rin sa atraksiyon ng Honda Racing stage sa motorcycle exhibition ng glamorosong motor show.
Ang RC 211V na ito ay may 90 cc na V5 engine na nakapaloob sa aluminum twin-tube frame. Ito ang nagbigay kay Rossi ng 11 panalo sa 17 na karera sa nakaraang MotoGP.
Gayunpaman, hindi lamang ang mga pangarerang motorsiklo ang ipinagyayabang ng Honda kundi mayroon din silang mga bagong konsepto ng motor na hindi lamang ang bilis ang pangunahing nasa isipan kundi maging ang kaligtasan, kalinisan at porma.
Kasama sa motorshow ang dalawang executive ng Honda Philippines na sina Mr. Satoshi Okada, assistant to the president ng Honda Philippines at Mr. Ager Kiocho, AVP for Marketing ng Honda Phils.
Ayon kay Okada, sinasamantala ng kanilang kompanya ang oportunidad na ito sa motorshow upang maipakita ang husay ng kanilang produkto.
"This our opportunity to showcase the latest technology that we are developing," ani Okada.
Bukod sa mga sports bikes, nakahambalang din at ipinagmamalaki ng Honda ang ilang modelo tulad ng mga naglalakihang Gold Wing, Shadow at Valkyrie.
Ipinagyabang din ang maliit ngunit matinik na Dio Z4 FI at ang hindi pa inilalabas na bagong bersyon ng sikat na Dio scooter na naka-programmed fuel injection na.
Ang Honda ang pinakamalaking motorcycle company sa buong mundo. At sa Pilipinas lamang, kontrolado nito ang 62 porsiyento ng merkado at ayon kay Okada, target ng Honda na 150,000 units na ibebenta ay naabot na nila ngayong Oktubre pa lamang.
"We will be coming up with more interesting and more affordable bikes next year," pangako ng Hapones.(Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended