^

PSN Palaro

Paragua nagpasiklab sa France tourney

-
Naghari si GM-candidate IM Mark Paragua sa 22nd Edition ng Saverne Marathon Rapid Tournament na ginanap sa Saverne, France noong October 18-19, 2003.

Si Paragua na kumatawan ng Philippine Airforce chess team ay halos sigurado na sa titulo pagkatapos ng penultimate round nang kanyang maitabla ang huling laban kontra kay Helstoffer ng France upang umiskor ng 30 points mula sa posibleng 32-puntos, lamang lang ng isa sa kanyang pinakamahigpit na kalaban.

Ang 19-gulang na si Paragua, ang 1998 World Rapid Under-14 Rapid Champion ay umiskor ng 29 wins, dalawang draws at isang talo sa traditional event na nilahukan ng 168 players na karamihan ay mula sa France, Germany at Russia.

Kabilang sa mga biktima ni IM Paragua na siyang pinakabatang winner ng traditional annual tournament ay sina 1993 World Junior Champion super GM Igor Miladinovic (2609, Greece), dating Russian Junior Champion GM Andrei Schekachev (2522, Russia), GM Giorgi Bagaturov (2424, Georgia), IM Namid Gouliev (2457, Azerbaijan), IM Kamran Shirazi (2444, Iran) at IM Alexei Cherushchevich (2506, Russia).

Ang tanging talo ni Paragua ay kay Croatian GM Mladen Palac (2534). Ang kanyang dalawang draws ay kina Frenchman masters Maxime Aguelltaz (2344) at Helstroffer.

vuukle comment

ALEXEI CHERUSHCHEVICH

ANDREI SCHEKACHEV

GIORGI BAGATUROV

IGOR MILADINOVIC

KAMRAN SHIRAZI

MARK PARAGUA

MAXIME AGUELLTAZ

MLADEN PALAC

NAMID GOULIEV

PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with