Walang tigil ang gulo
October 23, 2003 | 12:00am
Hindi po linya mula sa awit ni Hajji Alejandro ang ating pamagat. Ito'y pagsasalarawan sa nangyayari ngayon sa Basketball Association of the Philippines, na walang tigil na yata ang mga dagok ng tadhana. Sino ba ang may balat sa kanila?
Una, nagkaroon ng problema sa kanyang pasaporte si BAP Secretary-General Graham Lim, na naipit ngayon at sinasabing Chinese citizen. Sa kabilang dako, naririyan naman ang pagdidiin ni dating BAP Sec.-Gen. Nic Jorge na ang kanyang Basketball Association of the Philippines, Inc. (BAPI) ang lehitimong organisasyon.
Sabi ni Lim ay pawang pang-iintriga at inggit lamang ang ugat ng lahat. Sa katunayan, hindi siya nakaupo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kamakalawa, dahil daw kay Jorge pumapanig ang pamunuan nito. Tutoo kaya ito?
Sa tutoo lang, makatuwiran man o hindi, pangit tingnan na ang isang nakatataas na opisyal ng isang national sports association ay umupo bilang commissioner ng isang liga, gaya ng ginawa ni Lim sa NCAA. Pinilit man siya tulad ng kanyang sinasabi, maaari naman niyang tanggihan ito. Hindi na niya kailangan ang hirap o intrigang kaakibat nito. Magulo na nga ang buhay niya. Dapat na lamang ay iba na ang inirekomenda niya, para lang walang gulo. Pero tapos na iyan.
Mabuti na lamang ay hindi naantala ang pagpunta ng NCAA All-Stars (sa pangunguna ng NCAA champion Letran Knights) sa Macau sa darating na ika-28 ng buwang ito. Naghahanap naman ngayon si Lim ng isponsor, at may umatras isang multinational na gumagawa ng sportswear, para walang intriga. Mabuti pa sila, marunong umiwas.
Ano naman ang mangyayari sa kaso ng BAPI? Sa tingin ko, kung hindi ito papansinin ng BAP, pinapabayaan lang nilang magkaroon ng mas malaking gulo.
Ang ugat nito'y ang halalang naganap noon pang panahon ni Lito Puyat at Freddie Jalasco, na parehong wala sa puwesto. Dapat na lang sigurong gawan ng paraan na magtulungan ang dalawang grupo, kung magiging masaya si Jorge sa ganoong usapan. Kung hindi, tagisan na lang ng galing. Ipakita na lang sa madla kung sino ang mas maraming nagagawa.
At huwag na nating asahang papasok sa usapan ang Philippine Olympic Committee. Alam naman nating ang pamu-nuan nito ay maghihintay na lamang na ayusin ng situwasyong ito ang sarili niya, habang sila'y nakaupo sa bakod.
Iyan naman ang buhay ng mga pulitiko. Asa ka pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am