Sinabi kahapon ni Cecile Cinco, ang abogadong nagpanalo para sa legitimacy ng BAPI matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa korte na nagsimula noong 1995, na kailangang sumunod sina POC president Celso Dayrit at PSC Chairman Eric Buhain sa desisyon ng Court of Appeals noong Agosto 14 na kumilala sa BAPI bilang National Sports Association para sa Basketball.
Iginiit ni Cinco na ilihitimo ang kasalukuyang pamunuan ng Basketball Association of the Philippines (BAP) sa ilalim ng pamumuno ni Tiny Literal na nanalo sa aniyay illegal na eleksiyon noong 1995 kung saan nanalo si Freddie Jalasco dahil idineklara ito ng korte na null and void.
"All other elections, except those prior to 1994, are illegal, including those of 2001 which put Literal and co. in power. The POC and PSC should recognize the courts ruling because it is the law of the land," ani Cinco.