Itoy dahil kasabayan ng SEA Games ang dalawang malalaking billiards tournament sa Estados Unidos na malamang ay di palalagpasin ng dalawang Pinoy professional cue artists.
Dahil dito, nais ni Technical Commission chairman Steve Hontiveros na magkaroon ng kasulatan para matiyak ang paglahok nina Reyes at Bustamante sa December 5-13 Vietnam Games.
"Ang sabi ko kay Mr. (Joaquin) de Tagle I want everything in black and white para may panghahawakan kami pagdating ng panahon," ani Hontiveros sa secretary-general ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP).
"Sabi ko, as far as I know may commitment na sila Mr. (Putch) Puyat to represent our country for the Vietnam SEA Games ," sabi ni Hontiveros sa BSCP, pinamumunuan ni Ernesto Fajardo. "