Dudot pinag-iisipan ang PSC Chairmanship
October 23, 2003 | 12:00am
Inamin kahapon ni dating PBA player Robert Dudot Jaworski Jr. na matagal na umanong inalok sa kanya na pamunuan ang Philippine Sports Commission (PSC) kapalit ni chairman Eric Buhain.
Ayon kay Dudot Jaworski, kasalukuyang chief of staff ng kanyang ama sa senado, simula pa umano noong July ng taong ito ay mayroong mga emisaryo sa kanya kung saan ay inaalok na pamunuan ang PSC.
Sinabi ni Jaworski Jr., isang malaking karangalan na pagkatiwalaan siya na pamunuan ang nasabing ahensiya pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa siyang desisyon ukol dito.
Bukod dito, wika pa ni Dudot, wala pa namang formal na offer sa kanya ang Malacañang para maging kahalili ni chairman Buhain sa PSC.
"There has been obvious discontent in the way PSC has turned from bad to worse in recent times and I would therefore advised chairman Buhain to look at this issue as a wake-up call to reflect on the shortcomings of his administration instead of merely a question on his loyalty to the President," wika ni Dudot Jaworski.
"As a friendly advise to chairman Buhain, I am a firm believer of the saying that where there is smoke, there is fire and in this case, the fire is most definitely a blaze," sabi pa ni Dudot.
Idinagdag pa ni Ja-worski Jr., pag-iisipan niya ang mga bagay na ito sa sandaling pormal na ialok sa kanya na pamunuan ang PSC at kapag mayroong formal offer na sa kanya ang Malacañang ay titimbangin niya ito kung dapat tanggapin o ituloy na lamang ang kanyang balak na tumakbo bilang kongresista sa Pasig City sa darating na 2004 elections.
Magugunita na napabalitang inaalok na papalitan na umano ni Dudot Jaworski sa pagiging PSC chairman si Buhain dahil sa reklamo laban sa pamamahala ng huli sa nasabing komisyon sa November (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended