^

PSN Palaro

Pacquiao-Arabala fight inaabangan sa Kidapawan

-
Inaasahang magiging eksplosibo ang laban nina RP champion Bobby Pacquiao at ang pinapaborang Fil-Am banger na si Arnick Arabala ng Colorado, USA sa kanilang pinaka-aabangang laban sa Nobyembre 9 sa North Cotabato Provincial Gymnasium sa Kidapawan City.

Ang Pacquiao-Arabala rumble ay magsisilbing chief supporting bout sa "Encuentro" card na suportado ng San Miguel Corporation tampok ang local hero na si Diosdado Gabi na naghahangad na agawan ng World Boxing Council International flyweight crown si Randy Mangubat

"This is going to be Kidapawan’s biggest event in recent years," pahayag ni promoter Socrates Piñol.

Nakopo ni Pacquiao, ang no. 1 sa PABA at no. 4 sa OPBF, RP title sa pamamagitan ng 11th-round KO kay Renato Inal noong nakaraang taon at naging matagumpay ito sa kanyang dalawang pagdedepensa sa karibal na si Baby Lorona, Jr.

Lumaban na si Arabala, kasalukuyang nagsasanay sa Cagayan de Oro City bilang paghahanda sa Pacquiao, sa United States mula pa noong 2001 at nangakong idadagdag niya sa listahan ng kanyang biktima si Pacquiao. Kabi-lang sa kanyang mga tinalo sa US ay sina Mexicans Corey Alarcon, Cesar Morales, Frank Martinez, Arnel Salvana at Otoniel Espinoza.

"Handa na akong lumaban, papatunayan ko sa lahat na kaya ko. Ipapakita ko na hindi lamang ang kapatid ko (si Manny Pacquiao) ang magaling. Palaban din ako," wika ni Pacquiao na nasa Almendras Gym sa Davao City, kung saan ito nag-tre-training.

ALMENDRAS GYM

ANG PACQUIAO-ARABALA

ARNEL SALVANA

ARNICK ARABALA

BABY LORONA

BOBBY PACQUIAO

CESAR MORALES

DAVAO CITY

DIOSDADO GABI

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with