^

PSN Palaro

Cariaso, David co-Players of the Week

-
Totoong si import Roselle Ellis ang malaking dahilan sa pagkabuhay ng Barangay Ginebra. Totoo ring si Artemus McClary ang patuloy na nagdadala sa Coca-Cola na nasa tuktok ng standing ng Group B sa PBA Samsung Re-inforced Conference.

Bilang imports, inaasahang magbibigay sila ng malalaking numero ngunit hindi nangangahulugang makakaya nila ang lahat ng trabaho.

Kailangan din nila ng solidong suporta mula sa kani-kanilang koponan para sa kanilang tagumpay.

Nitong nakaraang Linggo, kakaibang performance ang ipinamalas nina Bal David ng Ginebra at Jeffrey Cariaso ng Coca-Cola.

Nakapasok sa quarterfinal round ang Ginebra habang patuloy sa pama-mayagpag ang Coca-Cola na mayroon nang limang sunod na panalo.

Dahil dito, naiboto sina David at Cariaso bilang co-Players of the Week para sa linggong October 13-19.

Nagsumite si David, kinikilala pa ring isa sa matitinik na point guard sa PBA ng 15-puntos, tatlong rebounds, limang assists at isang steal sa 95-90 panalo ng Ginebra kontra sa Talk N Text at sinundan niya ito ng 10-puntos, dalawang rebounds, tatlong assists at isang steal sa paglampaso sa Shell Velo-city, 110-82.

Ang tagumpay ng Ginebra kontra sa Shell ang kumumpleto ng cast ng quarterfinals sa Group B kung saan makakasama nila sa susunod na round ang Coca-Cola, Red Bull at Phone Pals.

Nagtala ito ng 16-puntos, apat na rebounds at apat na assists sa 100-89 panalo kontra sa Shell at nagposte naman ito ng 15-puntos at isang re-bounds sa 106-76 pagdurog ng Tigers sa FedEx noong Sabado sa Bacolod.

BAL DAVID

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA

GINEBRA

GROUP B

JEFFREY CARIASO

PHONE PALS

PLAYERS OF THE WEEK

RED BULL

ROSELLE ELLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with