Dudot, papalit kay Buhain?

Papalitan na umano ng dating Philippine Bas-ketball Association (PBA) cager na si Robert "Du-dot" Jaworski Jr. si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Eric Buhain bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ito ang kinumpirma ng isang mapagkakatiwalaang source subalit hindi naman nilinaw kung b-bigyan pa ng panibagong puwesto ang sisibaking si Chairman Buhain.

Ayon sa impormante, malamang na sa susunod na buwan na maupo ang anak ni Senator Robert Jaworski bilang kapalit ni Buhain sa PSC.

Posibleng masibak si Buhain sa PSC ay dahil sa matinding reklamo ng mga atleta laban sa liderato nito.

Magugunita na nagrereklamo ang mga atleta dahil napapabayaan sila ni Buhain sa mga pangangailangan sa kanilang pag-eensayo at paghahanda sa mga laban gayung batid naman nito ang tunay na problema dahil dati din siyang atleta.

Tumanggi naman ang kampo ni Dudot Jaworski na kumpirmahin o mag-bigay ng reaksiyon kaugnay sa umano’y pag-upo nito bilang PSC chairman kapalit ni Buhain sa darating na November. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments