Maganda kasi ang pangyayaring nanaig ang Hotdogs kontra sa Alaska Aces, 94-92 noong Miyerkules para sa ikalawang panalo nila sa torneo.
Maganda kasi nakapagpakita sila ng poise sa endgame!
Kapansin-pansin kasi na isa sa mga flaws ng Hotdogs ay ang pag-collapse sa endgame. Hindi nga bat magandang laban ang naibigay nila kontra sa Sta. Lucia Realty dalawang Linggo na ang nakalilipas. Sa larong iyon ay nagbalik sa bench ng Purefoods si Gregorio matapos ang maikling stint sa coaching staff ng Minnesota Timberwolves coaching staff sa NBA. Aniya ay may pagbabagong magaganap sa Purefoods. Iba na ang koponang ito kaysa sa naunang perception ng karamihan.
Sa tutoo lang ay nasorpresa din ang karamihan sa magandang performance ng Purefoods. Dikdikan ang laro hanggang sa kalagitnaan ng fourth quarter subalit nakaalagwa ang Realtors upang manaig sa dakong huli.
Kung magwawagi ang Purefoods sa natitira nitong tatlong games ay magtatapos ang Hotdogs nang may 5-8 karta. Sa sandaling isinusulat itoy may tigatlong panalo lamang ang Alaska Aces at FedEx Express sa Group A at bahagya lang ang kalamangan nila sa Purefoods. Kung masisilat pa sila ng tig-isang beses ay parehas na sila ng kinalalagyan ng Hotdogs.
Kaya naman hindi pa kinakabahan si Gregorio at ang kanyang mga bata. Kasi, hawak pa naman nila sa kanilang mga kamay ang kanilang kapalaran at hindi pa naman sila aasa sa ibang teams upang makapasok sa quarterfinals.
Sa Miyerkules nga ay kalaban ng Purefoods ang FedEx na mayroong 3-7 record. Kung mananalo sina Gregorio, tabla na ang Hotdogs at Express. Panibagong ballgame na iyon.
Pero siyempre, mas madaling isipin ang ganitong pangyayari kaysa isagawa. Alam ni Gregorio na marami pang dapat na gawin ang Hotdogs, kailangan pa nilang pataasin ang kanilang intensity level at hindi dapat na umasa nang todo-todo sa kanilang import na si Lenny Cooke.
Paano kung sa Miyerkules ay iba na ang import ng FedEx? Siyempre, mangangapa na naman ang Purefoods dahil sa hindi nila mai-scout ang makakalaban nila!
Sa tutoo lang, ang tunay na problema ng Purefoods ay direksyon dahil sa tanging si Boyet Fernandez ang legitimate point guard nila. Kaya nga maganda sana kung tutoo yung balitang trade sa pagitan nina Gilbert Demape at Dale Singson. Mas magkakaroon ng direksyon ang Hotdogs. Pero tila hindi naman papayag si Shell coach Perry Ronquillo na pakawalan si Singson unless na isang sentro ang makukuhang kapalit ng Shell.
Kung sakaling desperado ang Purefoods na makakuha ng legit point guard, siguroy puwede nang magsakripisyo si Gregorio at magpamigay ng isang malaking manlalaro.
Tutal makakakuha pa naman ng isa pang sentro ang Hotdogs sa susunod na draft!
At least, maso-solve ang problema nila.