Ducks lusot sa Hawks
October 20, 2003 | 12:00am
Sumandal ang Duck Defenders sa mix doubles tandem nina Martin Araneta at Mylene Amahit upang dispatsahin ang Hawk Shuttlers sa Philippine Badminton Tournaments (PBT) All-Star Invitational sa Valle Verde Country Club.
Tabla ang iskor sa 2-all ngunit nakuha ng Ducks ang panalo nang igupo nina Araneta at Amahit sina Naresh Ramnani at Elaine Lao, 17-14, 9-15,15-9, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa torneong ito.
Nanalo ang Ducks sa ladies singles sa tulong ni Raquel Guerrero na nanaig kay Melody Villaceran, 11-4, 11-5 ngunit nakatabla ang Hawks nang mamayani si JVC Open back-to-back champion Ian Piencenaves kay Bogs Amahit, 15-17, 15-2, 15-8 sa mens singles.
Nanalo sina Guerrero at Maiqui Laurel sa ladies doubles kontra kina Melody Villaceran at Amanda Carpo, 8-15, 15-8, 15-10, ngunit nakabawi ang Hawks matapos ang tagumpay nina Manric Zalamea at Bogie De Guia kina Mark Mayo at Salvador Banquilles sa mens doubles, 15-12, 10-15, 15-6.
Sa iba pang team tie, nanalo ang Feather Whackers sa Eagle Smashers, 4-1, upang isaayos ang crossover semis match kontra sa Duck Defenders na magsisimula sa Sabado.
Ang isa pang semis match ay sa pagitan ng Heron Hitters at Pelican Aces.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended