Pinigil rin ng Court of Appeals 13th Division na pinangungunahan ni Associate Justice Martin Villarama Jr., ang kautusan ng Manila RTC Branch 12 na nagdedeklara sa BAPI ni Jorge na siyang dapat na maging Basketball Association of the Philippines nang magpalabas ito ng kautusan na nagsasabing final at executory ang nasabing desisyon noong nakaraang Aug. 14.
Napanatili rin ng desisyon ng korte ang status quo ng BAPI base na rin noong Aug. 14, 1995 elections na ipinatawag ni dating BAP president Gonzalo Lito Puyat kung saan tinalikuran ni Puyat ang pagiging presidente bilang pabor kay Jalasco, pero itina-laga niya ang kanyang sarili bilang chairman--ang bagong posisyon sa BAP.
Tumagal ang nasabing kaso ng apat na taon matapos na idismis ng lower court ang kasong isinampa ni Jalasco noong July 20, 2001, dahil sa kawalan ng interes gayunpaman, ipinadala ni Jalasco ang nasabing kaso sa Supreme Court na napunta naman sa Court of Appeals para sa final na aksiyon.
Pero iniatras ni Jalasco ang kanyang apela matapos ang magkahiwalay na pag-aagawan sa liderato sa pagitan nina Graham Lim at Tiny Literal na siya namang naitalagang bagong BAP president kung saan si Lim ang naluklok na secretary general ng International Basketball Federation (FIBA) matapos ang mahabang pag-aagawan sa liderato noong 2001 na umabot pa sa pagka-kasuspinde ng BAP mula sa Southeast Asian Games.